|
Post by thepoetslizard on Oct 10, 2008 16:04:26 GMT 2
Lilia F. Antonio Bio from the Panitikan website www.panitikan.com.ph/authors/a/lfantonio.htm
"Maya" habang nakababad sa umaasong swimming pool sa umagang bago pa man sumilay ang araw tinatanaw kitang nakadapo sa sanga nag-iisa pumapalibot ang tingin sa matayog na niyog, at nahihinog sa buwig ng saging
saan patutungo? alin ang pipiliin: bumabalik sa ilang kasamang nakapila sa kawad, o, patuloy na lumilipad sa isang naiiba’t bagong landas?
sa biglang pagbugso ng hangin nawalan ng panimbang tulirong napabitiw di na malaman kung saan susuling.
27 Agosto 2000
*
"Cellfone"
Noon. Parang talang sinusungkit ko ang cel # mo. Gusto kong mai-forward ang msgs. Pix msg, grafx na kumukutitap, green jks, trivias, quotes, pryers, reflctxns, songs dat apirs AM, PM, dey n nayt sa cellofne ko 2 let u knw dat I hvent 4goten u.
Pero, laging service not available.
Ngayon, na-dscober ko txtmate ay d sinusungkit di kailangang mangulit ni magpumilit malayang pagkakaibigan libreng nakakamit kaya no more space for messages sa cellfone mong ipinagkakait.
16 Abril 2001
*
"Kring-Kring"
ang pagtawag sa telepono
sa taong marapat ibaon sa limot
ay tulad sa pagkutkot ng sugat.
habang tinutuklap
ay tumitigas na langib
kay-kati,
kay-sarap.
subalit kapag nalantad
ang mamula-mulang laman
muling nadarama
ang pagnaknak
ang hapdi,
ang sakit,
ang hirap.
15 Mayo 2000
Web source: www.panitikan.com.ph/poetry/maya.htm
|
|