|
Post by thepoetslizard on Oct 10, 2008 16:02:57 GMT 2
Merlinda C(erullo) Bobis Bio from the author's website www.merlindabobis.com.au/biography.htm
Author Website www.merlindabobis.com.au/
Bio from the Panitikan website www.panitikan.com.ph/authors/b/mbobis.htm
Additional Bio information and Links faculty.washington.edu/kendo/bobis.html
"Summer Was a Fast Train Without Terminals" www.merlindabobis.com.au/summer.htm
*
"Neneng" pitong taon ka, ngunit kilalang-kilala na sa uma-umaga ng makitid mong bangketa- “’ma, sigarilyo; ale, sampagita.” dito, tinutuhog ng iyong mga mata ang piyesta ng iba, sinisimot ng taynga ang umaapaw na halakhak nila, hanggang makarburo ang kislap ng iyong mata at kuminang ito na singko sa kalsada.
pitong taon ka, ngunit gabi-gabi, nagpapakasal na sa hatak ng sanlibong anino; idinadambana sa lamig ng kongkreto, sabay bendisyon ng putik sa estero. pinagkakatuwaan ng mga maligno, kinakalaro nila, kinakandong pa, kinakasama, kinukubeta- tagasalo daw kasi ng himutok nila, tagaalis ng buwisit na tinga.
*
"Usapang Ina at Anak"
“inang, napakaiksi ng inyong biyahe mula kama hanggang kalan.”
“ay, anak, tinatawid ko sa mundo ikaw at ang tatang.”
“inang, nanunuyo na ang inyong mga matang hindi marahil nasipingan ng diwa.”
“anak, ako ang nagluluwal ng binhi ng isip.”
“inang, araw-araw yata ay umiikli ang inyong dila.”
“anak, anak, ang mga labi ko’y hitik sa mga salitang napipi ng halik.”
“inang, hindi tadyang ang hinugot kay adan- puso.”
Source: The Panitikan Website www.panitikan.com.ph/poetry/usapanginaatanak.htm
|
|