thepoetslizard Full Member
   member is offline
Joined: Jul 2008 Gender: Female  Posts: 104 Karma: 0 |  | Benilda S. Santos « Thread Started on Oct 10, 2008, 4:04pm » | |
Benilda Santos Bio from the Panitikan website www.panitikan.com.ph/authors/s/bssantos.htm
![[image] [image]](http://shayepoet.com/conference/filipinapoets/benildassantos.jpg)
"Ang Sabi Ko Sa Iyo"
Bumalong ang dagta sa hiniwang kaymito. Namuo sa talim ng kutsilyo ang ilang patak.
Diyan ako naiwan, mahal, at hindi sa laman.
*
"What I Said To You"
Sap bloomed from halves of the star-fruit. Along the edge of the blade, a few drops thickened.
Find traces of me there, my love, not in the fruit's flesh.
~ translation by Luisa A. Igloria
*
"Noong Araw na Bumili Ako ng Kapirasong Stalactite sa Bundok Banahaw"
Limang daang piso ang tawad ko sa stalactite singhugis ng kalahating hita ng pitong-taong bata.
Binalot iyon sa lumang diyaryo ipinailalim sa damit at libro sa aking overnight bag.
Naglakbay pababa sa bundok sumubo sa trapik saka ko iniluklok sa piling tanghalan sa aking silid-aklatan.
Kinagabihan taimtim na pinagmasdan pinagmuni-munihan sa tanglaw ng puting liwanag ng lamparang fluorescent.
Doon sadyang nabanghay maningning na krokis ng aking kalansay.
Web source: High Chair, Issue #5 www.highchair.com.ph/stalactite_santos.htm
*
"Pagkatapos ng Almusal" Pagkainom ng sambasong tubig. Pagkakain ng pritong tuyo’t itlog at sariwang kamatis na ibinabaw sa sinaing. Pagkaalmusal samantalang patungo sa lababo nang makapagsipilyo. Napansin ko noong sandaling iyon napansin ko kumawala ako sa panahon.
Wari may nahawing kurtina sa aking mga mata. Nakita ko ang kaliwang kamay tangan ang colgate ang kanang kamay tangan ang sipilyo. Nakita ko ang mga kamay ko ay ay ako magpawalang-hanggan.
Ako sa pagsisipilyo wala nang ibang alternatibo. Ako sa pagsisipilyo ganap na ganap, totoong-totoo. Ako sa pagmumumog ako pa rin sa nakaraang pagbangon at pagtulog. Ako sa pagbibihis, pagsasapatos.
At sa paglabas ko ng bahay pagsakay ng kotse sa pagpapainit ng makina sa pagmamaneho sa pagliko sa kanto sa pagliko nang likung-liko ako at ako lamang kasama ko nang walang ibang dahilan kundi maging sadyang ako.
Web source: www.panitikan.com.ph/poetry/pagkataposngalmusal.htm
![[image] [image]](http://shayepoet.com/conference/authors/AmbahanonBambooslide1c.jpg)
| |
|