|
Post by thepoetslizard on Oct 10, 2008 16:04:48 GMT 2
Gloria Villaraza-Guzman's Bio from the ALIWW website rizal.lib.admu.edu.ph/aliww/filipino_gvguzman.htm
List of Works openlibrary.org/a/OL84700A
Nagsimulang magsulat si Gloria Villaraza Guzman sa mga pambansang magasin noong 1941. Yaon ay sa Ingles. At 1943 siya unang sumulat ng mga kuwento at tula sa wikang Filipino. Nitong mga huling taon, naragdagan ang kanyang mga isinusulat ng mga kuwentong pambata. Nakatanggap siya ng Carlos Palanca Memorial Award for Literature (1975), Cultural Center of the Philippines Dakilang Gantimpala sa Epiko (1979), Quezon City Literary Award for Poetry (1980), Gawad Pagkilala bilang Makata at Manunulat (1993) mula sa Komisyon sa Wikang Filipino, Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas (1996) mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL), at Gawad Patnubay ng Sining at Kalinangan sa Panitikan (1998) mula sa Lungsod ng Maynila.
|
|